Nagbunyi ang DonBelle fandoms sa pagdalo ni Belle Mariano sa premiere night ng pelikula ni Donny Pangilinan, ang “GG The Movie.” Siempre pa kilig to the max ang mga panatiko at sumusuporta dahil malaking bagay para sa kanila ang presensya ni pretty Miss Mariano na binigyang oras at panahon ang pelikula ni young master Pangilinan na hindi siya kasama.
Sa 197 cinemas ito kasalukuyang pinapalabas. Sa mga pinanoood na ito, marami ang nagsasabing maganda ang pelikula, matino ang kwento at best performance ni Pangilinan ang kanyang binigay sa pelikulang idinirehe ni Prime Cruz.
Ang masaklap na balitang aming tinananggap mula sa isang unimpeachable source, matumal ang pagsugod ng mga manonood sa mga sinehang itinatanghal ang pelikula.
Kwento nito: “Lilima lang kami sa sinehan nung nanonood ako. Nakakabagot ang first half ng movie. Yung kasama ko nga, wala pang five minutes sa kanyang upuan, nakatulog na at naghihilik pa, huh!”
Patuloy na kuda mula sa unimpeachable source: “Sa totoo lang, ma-a-appreciate ng mga naglalaro ng Mobile Legend, Call of Duty at DOTA ang GG. Kaso, yung mga iyon, hindi mahilig manood ng movies.”
Aray-aray times two! Tama ang unimpeachable source sa kanyang sinabi dahil nga ang audiences na nais mahikayat ng pelikula ni Donny, eh nakakulong sa kanilang paraisong parisukat at virtual kamunduhan.
Mga DonBelle fan, mag-volt in kayong lahat para sa pangmalakasang block screenings dahil kung hindi, more chances ang pagiging major, major flop ang movie ni young master Pangilinan.
Aray, aray, aray times three ang katotohanan na hindi pa “hinog” ang kanyang kasikatan at isa lamang siyang TV star na may persepyong sikat pero fake news pala yun!
Ang isa pang-aray na apat na beses, walang naitulong ang pagpunta ni Mariano sa premiere night para makarahuyo ng mga manonood.
Kung sabagay, ang movie ni Belle na kasama si Bugoy Carino, ang “Huling Sayaw”, hindi rin naging matagumpay sa takilya. Ano kaniyo, hindi niyo alam my Ka-Tirada readers na may ganun palang pelikula? Ang lupit niyo! Hahahahaha.
Ang konklusyon tuloy, starlet of universal proportion si Belle dahil nga sa television at on-line series lamang ito tinatangkilik.
Naku, naku, naku, isip-isip mga namumuno sa DonBelle, sikat lang sila pag magkasama, pero pag magkahiwalay, luhaan at lugami ang mga proyekto. Ayusin niyo iyan dahil kung hyped lang sina Donny at Belle, ang pagiging tinimbang ka ngunit kulang nila ang magpapahina sa kanilang estrella, huh!
***
Nakakatuwa na may artistang tulad ni Alfred Vargas na marunong magpasalamat at magpahalaga sa mga isinusulat sa kanya.
Kamakailan, lumabas ang rebyu ko para sa “Pieta”, pelikula ni direk Adolf Alix Jr., kung saan bidang lalaki si Vargas, kasama ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Pelikula at Broadcast Arts Nora Aunor, mahusay na aktres Gina Alajar at pambansang kayamanan Jaclyn Jose. Kasama ko ang Ka-Tirada kolumnista Alex Brosas, pinanood namin ang pelikula sa isang micro-cinema.
Bahagi ng mensahe ni Alfred patungkol sa rebyung isinulat ko: “Thank you very much for the nice review of the film, Alwin. Much appreciated.”
Hindi lahat ng mga artista ay may ganitong gawi, kaya ang sarap sa pakiramdam bilang kolumnista at manunulat na may mensaheng ganito.
Siyanga pala, ipinanganak na ang latest bundle of joy ni Alfred at inamorata niyang si Yasmien, Aurora Sofia ang name nito.
Congrats sa bagong baby at magandang pelikula mong “Pieta”, Alfred Vargas!