May mensahe ang aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang mga anak na si Zion at Kai at nitong nakaraan ay ibinahagi niya ito sa kanyang IG.
Ipinakita ng aktres ang video ni Zion na kuha habang nanonood sila ng Coldplay concert na ginanap sa Philippine Arena.
“will do anything for you. and Kai. will do anything to see you both smile. hear you both sing. the love I have for you both,” saad ni Sarah.
May post rin ito kung saan ibinahagi rin niya ang ilang mga videos nila ni Zion sa nagdaang Coldplay concert.
“What a blessing to share this moment with you, my love. What a night,” sabi ni Sarah sa kanyang caption.
Sa kabila ng mga kumakalat na balita hinggil sa estado ng kanilang relasyon ni Richard Gutierrez ay nananatiling matatag ang aktres sa sitwasyon at napapadalas na ang kanyang pag-flex sa mga moments kasama sina Zion at Kai.
Sa latest interview rin ni Sarah ay sinagot niya ang mga isyu hinggil sa diumano’y pagiging magastos niya.
“I think when you work hard for your own money, you don’t owe anyone any explanation. You work so hard to do what? To explain yourself? No. If you have a job and you work so hard, then you don’t have to explain yourself to anyone. Just do your thing, whatever it is that you want to do,” sabi ni Sarah.