Mga laro ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – Phoenix vs Magnolia
8 p.m. – Ginebra vs San Miguel
Ang San Miguel ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamainit ngayon sa PBA, pero para kay head coach Jorge Gallent, wala itong kahulugan sa ngayon sa napipintong pakikipaghamok nila sa crowd-favorite Barangay Ginebra sa semifinals ng Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Itataya ng Beermen ang six-game winning streak nito sa Game 1 ng best-of-five semifinals affair sa ganap na alas-otso ng gabi pagkatapos ng semifinal duel rin ng Magnolia at Phoenix Super LPG alas-kuwatro ng hapon.
Ang Beermen ang pinakamainit na koponan ng liga matapos manalo sa kanilang huling limang laban upang tapusin ang eliminasyon sa pamamagitan ng 8-4 karta na nagbigay sa kanila ng No. 2 na puwesto sa quarterfinals.
Tinalo ng San Miguel ang isa pang mainit na koponan, ang Rain or Shine, sa quarterfinals para magmartsa sa semifinals nang may kumpiyansa.
Gayunpaman, sinabi ni Gallent na tumanggi silang mahulog sa isang maling pakiramdam ng kasiyahang dulot ng kanilang mahabang sunod na panalong.
“We’re not concerned about the winning streak, but we’re treating it like a ladder. We’ve already gone through the quarterfinals and now the next step is the semifinals,” saad ni Gallent. “We’re thinking now of Ginebra.”
Sa kanilang nag-iisang elimination round encounter, nasungkit ng Beermen ang 95-82 panalo laban sa Kings. Pero mas delikado ang papasok ng San Miguel dahil mas malalim na ang kanilang listahan kasama sina seven-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at explosive import Bennie Boatwright.
Samantala, sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na kailangan nilang gumawa ng paraan para matigil ang Fajardo-Boatwright tandem kung nais nilang ipagtanggol ang kanilang titulo.
“It’s a dilemma all teams will have to figure it out and we’re going to try and figure it out. If we can’t, we’re not going to win the series,” sabi ni Cone.