Aminado ang aktres na si Rhen Escaño na hindi niya naiisip na magparetoke ng katawan kahit pa ilang beses na siyang nabiktima ng body shamers sa social media.
Kung matatandaan, napapansin at naookray ang pagiging flat ng boobs ni Rhen pero sa kabila nito, hindi niya naiisip na sumailalim sa breast enhancement.
Ayon sa dalaga, hindi umano makakatulong sa kanya ang pagpaparetoke.
“Sa totoo lang, na-realize ko lately na big-boned po kasi ako. And malaki akong tingnan kahit yung timbang ko is tama lang du’n sa edad ko. So, na-realize ko na kapag magpapa-enhance ako, kung mag-a-avail ako ng breast enhancement, hindi siya babagay sa akin. Magmumukha akong malaki,” sabi ni Rhen.
“So, I think di siya makakatulong sa akin, sa appearance, at sa screen. And marami rin ako naririnig na hindi pala ganu’n ka-comfortable yung experience ng ibang tao,” dagdag pa niya.
“Last time nga po, eto nga, kuwento ko lang sa inyo na parang ayoko na pala. Kasi dapat magpapatanggal po ko ng wisdom tooth last time. Tapos nanood po ako ng mga video sa YouTube ko, paano siya ginagawa. Tapos nakita ko po may hinihiwa, may dugo. Hindi ko po kaya. So, I guess, hindi ko po kaya magparetoke. Hindi talaga siya for me,” sabi pa ng dalaga.