Iniulat ng mga otoridad na inaresto ang magkapatid na lalaki matapos umanong gulpihin ang kanilang 64-anyos na lola na nagbabawal sa kanila sa paglasing sa Midsalip, Zamboanga del Sur.
Batay sa mga ulat, nagtamo umano nagtamo ng mga galos sa katawan at blackeye ang biktimang si Rosenda Aligo at ayon sa mga pulis, bago umano ang pananakit sa kaniya ng kaniyang mga apo na parehong hindi na nag-aaral, pinagsabihan niya ang dalawa na huwag nang uminom ng alak.
Karaniwan daw kasing nananakit ang magkapatid kapag nalalasing at nagalit din umano ang magkapatid nang pagbintangan na nagnanakaw sila sa kanilang kapitbahay.
Ayon kay Police Staff Sergeant Mechael Abdon, imbestigador ng Midsalip Municipal Police Station, rumesponde sila sa lugar matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa nangyaring kaguluhan.
Citizen arrest umano ang nangyaring pag-aresto sa magkapatid. Reklamong attempted parricide ang isinampa laban sa mas nakatatandang suspek, habang slight physical injury naman ang isinampang reklamo sa isa pa.