Aminado ang aktres na si Rhen Escaño na talagang suwerte ang pasok sa kanya ng 2024 lalo na sa kanyang career at ang kanyang itinuturong lucky charm ay ang P50 na nakalagay sa likod ng kanyang cellphone.
Ayon kay Rhen, naniwala siya sa isang TikTok video kung saan ibinandera ang isa sa mga pampaswerte sa Bagong Taon — yan ay ang paglalagay ng P50-bill sa likod ng cellphone.
“Effective po pala maglagay ka ng 50 pesos sa likod ng phone mo nu’ng New Year. Kasi ginawa ko po yun. Di ba, may ganu’n? For money luck daw iyun. So, ginawa ko, wala namang mawawala e. Tapos after how many days, so here we go. Next year po gawin n’yo,” saad ni Rhen sa launching ng bago niyang endorsement na CC6 Online Casino last Friday.
Bukod daw sa bago niyang project, excited din niyang ibinalita na muli siyang mapapanood sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
“Nagulat nga rin po ako, kasi nu’ng isinali po nila ako cast, pinaalam lang po nila sa Viva is three taping days. And then naging five, and then pina-book na po nila ako until next year daw.
So, ito na nga. So dahil pinahaba raw po nila yung character, at may ibinigay silang story dun sa character, parang ganu’n. And nakapag-taping na ako actually nu’ng mga importanteng eksena.
So, may dahilan kung bakit hindi niyo siya masyado nakikita du’n sa mga previous na mga scenes before. So yun, and happy kasi bumabalik na ulit sa…hindi naman nalaglag sa top 10 sa Netflix, and sobrang daming viewers talaga, lalo na ngayon na… Wala pa talaga tayo du’n, e. As in I swear, papunta pa lang tayo sa exciting part. As in sobrang daming mangyayari,” dagdag ng dalaga.