Inamin ng aktres na si Jillian Ward na puwede na umano siyang magkaroon ng crush at magkagusto sa guy dahil nasa tamang edad na rin naman daw siya pero paglilinaw niya, mas nais raw muna niyang mag-focus sa kanyang career at pamilya.
Natanong kasi si Jillian kung totoong may co-star siya sa “Abot-Kamay na Pangarap” na nanliligaw ngayon sa kanya.
“Secret! Ha-hahaha! Pero basta kaming lahat po sa set ngayon, masaya po kaming lahat. Talagang full of love,” saad ni Jillian sa isang panayam.
Natanong kasi ang Afternoon Prime Drama Princess tungkol sa napakaliit niyang bewang base na rin sa kanyang mga social media post, partikular na sa Instagram.
“Ako po kasi, kapag nagda-diet ako, talagang lumiliit po ‘yung bewang ko. Pero siyempre, may mga days din na bloated. Pero ayun nga, para sa’kin, mas importante na po ngayon ‘yung healthy ako at tsaka, basta ayun, healthy and happy,” sabi ng dalaga.
In fairness, mukhang magtatagal pa sa ere ang top-rating GMA afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” kung saan kasama rin sina Ken Chan, Carmina Villaroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, at marami pang iba.