Nag-sorry si Vice Ganda kay Anne Curtis matapos nitong i-lead ang TV host-actress para sabihin ang isang tagline na direct competitor ng kanyang ini-endorse na product.
Nangyari ito lat Saturday sa Expecially For You segment It’s Showtime”.
“Bad ‘yun, sa akin. Sorry po. Pasensiya na po kayo, ‘di ko po sinasadya ‘yun,” say ni Anne.
“Bakit ka nag-sorry, maganda lang naman, wala ka namang sinabing masama,” sagot naman ni Vice Ganda.
“Ito, kapag nawalan ako ng kontrata, pasensiya na po kayo ‘di ko po sinasadya, lapse of judgement, sorry,” say ni Anne.
Na sinagot naman ni Vice Ganda ng “Pumuri ka lang naman ng sitwasyon nila, maganda naman talaga ‘yung sitwasyon.”
“Pasensiya na po. Ikaw talaga. ‘Pag ako nawalan, bayaran mo ‘yun … kasi ‘pag siningil ako roon … sitwasyon ang pinag-uusapan natin. Sige, sige,” say ni Anne.
Sa X (dating Twitter), inamin ni Vice Ganda na nag-apologize siya kay Anne Curtis.
“Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!! But yes it was lapse of judgement. It was our usual “brandagulan” moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan. I apologized to her And pinagtawanan n lng namin. Our sisterhood will always be Nice Ganda!” tweet niya.
Sumagot naman si Anne at sinabing okay naman sila ni Vice Ganda.
“Morning everyone. Guys, kalma. No need for such negative energy. Vice and I are fine. It was a lapse of judgment on both sides. At least we can move forward and be keyrfuul. Ganyan ang biriun backstage but syempre dapat iba pag on air. Kaya kalma. It’s a beautiful day. Gawin na,” say niya.
O, ayan, walang issue sa dalawa, ha?
***
Marami ang nagulat nang aminin ni Dominic Roque na hindi invited si Daniel Padilla sa magiging kasal nila ni Bea Alonzo.
Sa isang interview, inamin ni na hindi sila nag-uusap ni Daniel.
“Si Kath lang,” say ni Dominic nang matanong kung invited niya si Daniel sa kasal nila ni Bea.
“Hindi pa naman kami okay ni DJ. I mean we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020,” say ng actor.
Itsinika ni Dominic na ang mga kaibigang sina Khalil Ramos, Pat Sugui at Marco Gumabao ang invited niya sa kanyang wedding.
“The wedding is happening outside Metro Manila, the guest list is not yet complete, but our best friends, families, and relatives are going to be there. Next week, we’ll go full swing with the planning,” say pa ng actor.
Sari-sari naman ang reaction ng netizens sa revelation ni Dominic. Mayroong nam-bash kay Daniel pero may mga nagtanggol din naman sa ex-jowa ni Kathryn Bernardo. Mayroon din naming nam-bash kay Dominic.
“Meron na kasing issue between Dominic at DJ kahit di pa hiwalay si dj at kath kaya hindi yan dhil sa issue nila. May ibang issue kaya di sya invited.”
“Dapat lang kc inimbita c Kathryn para maiwasan ang further issues tungkol sa kanila.”
“Dapat lang hindi imbitado yang Daniel baka mahaluan nang pamahiin (malas) sa kasal nilang dalawa..Si Kath lang nababagay sa mga ganyan para swertehin.”
“Kala mo mga prinsipe at prinsisa ang ikakasal. baka nakalimutan mo dom my kasalanan ka kay dj dahil sa kapated nya..wag mag malinis parehas din kau ni bea wag maglinis bea nang agaw ka din.”
“Bakit friends o close ba Sila para inbitahin si Daniel. Imbitahin man o hindi Ang tanung gusto din ba ni Daniel mag attend?”