Inihayag ng Office of Civil Defense nitong Linggo na pumalo na sa higit P14 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan dulot ng shearline sa Davao Region at Caraga.
Sinabi ni OCD spokesperson at director Edgar Posadas, inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil nagpapatuloy ang rapid assessment.
Umakyat naman sa 100,000 pamilya ang naapektuhan ng mga pag-ulan katumbas ng 400 indibidwal.
Siyam na libo ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers na unti-unti na rin umanong bumababa ang bilang.
275 na barangay sa Caraga at Davao Region ang naapektuhan ng pag-ulan.
Apat na lugar na ang kumpirmadong nagdeklara ng state of calamity.