Nagpapasalamat ang aktres na si Loisa Andalio dahil hanggang ngayon ay friends pa rin sila ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Sa isang panayam, sinabi ni Loisa na si Kath ay maituturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz na kahit hindi sila palaging nagkikita nang personal ay napanatili pa rin nila ang kanilang espesyal na samahan.
Dagdag pa niya, super thankful siya na naging friend niya ang ex-boyfriend ni Daniel Padilla. Feel na feel daw niya ang kabaitan ni Kath, “Yung totoong connection, mararamdaman mo.”
Super thankful din daw siya na umabot na ng walong taon na silang magkaibigan, “Kasi kami ni Kathryn nagkakasama lang kami kapag may event ang ABS-CBN, kapag may after-party.
“‘Yung friendship kasi namin kahit hindi magka-text everyday pero kapag nagkasama kayo ‘yung true connection sa pagitan n’yo talagang mararamdaman mo.
“Low-key lang kayong dalawa, basta masaya lang kayo, nandoon ‘yung totoong bonding niyo. Genuine lang lahat ng usapan niyo kapag magkakasama,” sabi pa ni Loisa.
Sa katunayan, hindi pa raw sila magdyowa ni Ronnie Alonte nang mag-start ang friendship nila ni Kathryn.
Nag-explain din siya kung bakit wala silang masyadong litrato ni Kathryn sa social media, “Kasi hindi rin ako ma-picture-picture masyado.”
Paglalarawan pa niya kay Kathryn bilang kaibigan, isa itong good example sa mga kababaihan, “Nakaka-inspire si Kathryn kasama rin kasi inspirational talaga siya sa babae.”