Umiral ang karanasan ng Caloocan para manaig sa mga mas bata at mas talentadong pambato ng Strong Group Athletics- St. Benilde, 71-57 sa PSL President’s Cup kamakailan sa Caloocan Sports Complex.
Ginanahan sa patuloy na suporta ng kanilang home crowd, nakabalik ang Supremos mula sa pagkakalugmok sa first half kung saan naghabol sila sa 11 puntos na kalamangan ng Blazers at nagawa nila ito sa tulong ng mga beteranong players na sina Paul Sanga at Gabby Espinas, na nagtipon ng pinagsamang 30 puntos at giyahan ang Supremos sa kanilang pang-pitong panalo sa walong laro at manatili sa ikatlong puwesto.
Binakbakan naman ng MisOr ang CV Siniloan, 101-84, para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Nagpakitang Gilas para sa MisOr si Rudy Lingganay, isa sa mga premyadong karagdagan sa koponan na namuno sa Mustangs sa second at hird periods.
May naipon nang limang panalo sa siyam na laro ang Mustangs na nagawa nang umabante sa .500 win-loss mark sa kaunaunahang pagkakataon.
Ang dating Most Valuable Player ng PBA D-League na si Lingganay ay kamuntikan nang tumapos ng triple-double para sa kanyang koponan kung saan nagtala siya ng 22 puntos, 13 assists at pitong rebounds.
Pinangunahan naman nina Dahrell Caranguian at Felix Apreku ang atake ng Kyusi na nagawang magaang na dispatsahin ang Bicol, 114-79.
Bumida sa scoring si Caranguian sa kanyang 22 puntos habang nagtala naman ng bagong record si Apreku sa rebounds kung saan humatak siya ng kauuuang 24.
Ang dating MVP ng NCRAA na si Caranguian at ang solidong rebounding ni Apreku ang naging sandigan ng Kyusi.