Nagkakagulo ang mga kababaibihan at sangkabekihan sa pagbabalik pelikula ni Enrique Gil. Ang dahilan kung bakit in na in muli ang lalaking minsan ay minahal ni Liza Soberano, ang best in paandar nitong pagbibidahan, ang “I Am Not Big Bird” na sa araw ng mga puso at kuyanyangan ipapalabas sa mga sinehan.
Opo, ang “Big Bird” dito ay hindi ang malaking ibon na kulay dilaw sa Sesame Street. Ang ibong ito ay hindi malayang lumipad pero nakakabuhay lalo na kung mabagsik ang punlay.
Sa nasabing pelikula, kaso ng mistaken identity ang kinakaharap ng katauhan ni master Gil kasi nga ang mga tao sa Thailand, ang buong akala, siya ang nawawalang porn actor na taglay na pambihirang palo-palo. Ang nakakabaliw, ang talagang katauhan ni Enrique sa pelikula, ang taglay na ari-arian, kulang sa sukat, haba at taba.
Hindi ba how clinical this katatawanan movie na literal na pinaglalaruan at pinipitik-pitik ang obsesyon ng mga kalalakihan tungkol sa sukat at tikas ng kanilang mga pagkalalaki.
Ang tanong tuloy ng mga kababaihan at sangkabekihan, si Gil ba eh komportable, secure at happy sa kung ano ang meron siya? Hung kaya ang lalaking mestisuhin o grower tulad ng the rest of the Pinoys?
Sa mga dalahira at katkatera naman, ang question of national importance nila, eh sino ang makapagtotoo kung tender juicy o mighty meaty ba talaga ang palo-palong totoo nito? Mala-isa, dalawa, may sasampalin ka pa ba siya? O ang reaksyon dito palagian ay, sabi nga ni Samantha Jones sa Sex In The City: “Three inches, erect!” Ay! Ano ba iyan Ms. Jones, ang dumi-dumi mo! Ewww! Hahahaha!
Tiyak na marami ang magiging mausisa at susugod sa mga sinehan at panonoorin ang balik pelikula ni Enrique Gil na “I Am Not A Big Bird.” Ang lambing ng mga kababaihan at sangkabekihan, naway hindi ipagmaramot ni Gil sa pelikula ang kanyang palo-palo para naman mas masaya at panalong-panalo ang panonood.
***
Naging pangmalakasang topic ang #KenTell, ang portmanteau nina SB19’s Ken Suson at Stell Ajero sa Ekis kasi nga, ipinagdiriwang ng Kids ang KenTell Day.
Sa YouTube, itinanghal ang ika-anim na kabanata ng bagong SB19 Showbreak, at Kids, super sharing ng photos at portions nito, kung saan captured for posterity and for everyone to see ang hindi maikakaila at maitatagong closeness ni young masters Suson at Ajero.
Dahil nga KenTell Day, inilabas rin ang mga blast from the past bidyo clip kung saan ang mga galawan nina Felip Jhon at Stellvester, siyang tunay na very jowable.
Kilig na kilig at maligayang-maligaya ang Kids sa mga ganap sa Showbreak kung saan maliban sa KenTell, kasama rin sina John Pablo Nase, Justin De Dios at Josh Cullen Santos.
Naka-official sabbatical ang Southeast Asian Superstar Pop group kaya sa YT, TikTok at Ekis mapapanood ang kanilang mga payanig.
May bagong kanta si pinunong Pablo, ang “Determinado” at si Suson, may collaboration na pinamagatang “Fly” na inilabas na rin sa musikal na merkado.
Wala pang opisyal na pahayag kung kailan ilalabas ang kanilang ikatlong EP na pinakaka-abangan ng A’Tin.
Happy KenTell Day sa lahat ng Kids!