Inamin ni Ryza Cenon na enjoy siya sa pagiging mommy lalo na at nasa stage na kasi ngayon ng paglalaro at pag-e-explore ang three-year-old son niyang si Night.
Pero yun nga lang, maya’t maya ay nagliligpit ng mga kalat na laruan ang aktres at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga kalat sa bahay dahil sa kanyang anak.
“Yong nag zoom meeting ka lang pag lingon mo binagyo ka na pala. [Face holding back tears emoji],” lahad ni Ryza sa kanyang IG Story.
Makikita doon ang anak niya na naglalaro habang marami sa mga laruan nito ang nakakalat sa sahig. Maging ang mga throw pillows ay ikinalat na rin ng bagets.
“[A]lam ko isa lang ang anak ko e… pero bakit parang ang dami.. [Face holding back tears, grinning face with sweat, face with peeking eye, and thinking face emojis],” saad pa niya.
Mukhang enjoy naman ang aktres sa role niyang ito bilang mommy.