Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes sa kanyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan at dagdag niya, imbes na red tape ay dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.
Ayon pa sa Pangulo, magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang incentives para sa mga negosyante partikular ang pagtataguyod sa ease of doing business.
Iginiit ni Marcos na hindi umano tama na pahirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabibigat na pagbabayad ng buwis at tinukoy din niya ang paglikha ng maraming trabaho,pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kita at mang engganyo ng investors at iba pa.
Samantala, sinabi ni Marcos na nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City, sinabi ng Pangulo na nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect employees ang nasabing planta na maituturing na major contributor sa industriya.
Inilarawan din ni Marcos ang vital link sa pag-aangat ng value chain na nagtitiyak sa suplay ng kritikal na materyal sa produksiyon tulad ng plastic packaging ng mga pagkain, mga damit, applicances, mga sasakyan at electronic devices.