Inihayag ng Philippine National Police na pumalo na sa 16 na pulis ang sinibak sinibak sa serbisyo mula sa unang 17 araw ng taong 2024.
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., nag-AWOL o sangkot sa robbery, grave misconduct at iba pang iregularidad ang mga nasibak na pulis at nagbabala rin ang PNP chief sa mga pulis na masasangkot sa iligal na gawain na pananagutin sila. Pinaalalahanan din niya ang mga immediate supervisor ng mga naturang pulis na accountable sila sa kanilang mga tauhan.
Dismayado naman si Acorda na sa kabila ng kanilang pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga, may mga pulis pa rin na patuloy na nasasangkot dito.
Kabilang dito ang pulis sa Central Luzon at isang pulis din sa Northern Mindanao na parehong naaresto sa magkaibang buy-bust operation.
Samantala, ibinida ng Criminal Investigation and Detection Group ang kanilang mga accomplishment kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 71st Founding Anniversary.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., nakapagsagawa ang CIDG ng 11,424 manhunt operations na nagresulta sa pagkaka aresto ng 11,558 most wanted at iba pang wanted criminals noong nakaraang taon.
Sa kampaya kontra criminal gangs, 54 liders at 442 miyembro ang naaresto, habang 125 miyembro ng communist at terrorist groups ang nasakote at 9 na sa mga ito ang nasampahan ng kaukulang kaso.