Isang 43-anyos na lalaki ang nasawi matapos itong saksakin sa leeg ng tatlong menor de edad sa Malaybalay City, Bukidnon.
Base sa mga ulat, nangyari ang ang krimen sa Barangay Uno habang nakatayo lang sa labas ng kaniyang bahay ang biktima nang dumating ang mga suspek
Ayon kay Bukidnon Provincial Police Office Spokesperson, Police Major Jiselle Longakit, lumalabas sa imbestigasyon na isa sa mga suspek ang umikot sa likod sa basta na lang sinasaksak sa leeg ang biktima.
“According sa investigation, wala’y istorya, actually, ang duha niini, naa sa iyang atubangan ug kaning isa dayon nga male, minor gihapon, milipot sa iyang likod, kumbaga mituyok sa iyang likod, mao dayon to, gidunggab sa iyang tuo nga part sa liog,” sabi ni Longakit.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa krimen pero wala umanong kinuha ang mga suspek mula sa biktima.
Naaresto naman ang dalawa sa mga suspek habang tinutugis ang isa pa.
Pinag-aaralan din ng pulisya kung puwedeng gamiting state witness ang dalawa laban sa tinutugis pang suspek.