Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Kylie Padilla para sa mga taong nasaktan umano at bitter na sa buhay dahil sa masasakit na pinagdaanan.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang isang post na may kasamang art card na may nakalagay na “I AM GRATEFUL” at photo mula sa isang pahina ng librong “Abundance” ng Indian-American author na si Deepak Chopra.
Tungkol sa pagiging grateful ang mga nakasaad sa page na iyon kung kaya’t maging ang aktres ay tila na-inspire na ilahad ang laman ng kanyang isip.
“Sometimes we forget to practice, to notice all the things we should be grateful for. We can sometimes get stuck in a narrative of victimhood. Which breeds jealous hearts and stagnant energy,” sabi ni Kylie.
Ayon sa kanya, oo nga’t natututo ang mga tao mula sa mga masasakit na pangyayari sa buhay pero huwag naman daw sana magpatalo roon at magpapaka-bitter na lang in life.
“Pain is a teacher and a catalyst for growth. Let’s not get stuck in the pain that creates cycles of destructive and toxic energies,” saad ni Kylie.
Mas magaan raw kasi mabuhay kung walang hinanakit o itinatagong galit sa puso.
“Gratitude stands as the final stage of growth when once you can look back and be grateful for the lesson and don’t wish any negativity on the people that hurt you, that is growth. That is wealth. That is freedom,” punto pa ng aktres.