Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na mayroon siyang pangako sa kanyang sarili na tutuparin niya ngayong 2024 at ayon sa kanya, marami siyang gustong gawin sa kanyang buhay at career pero feeling niya, may mga pagkakataon na hindi niya ito nagagawa dahil kulang siya sa aksyon.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na talagang kikilos siya at gagawin lahat ng paraan para matupad ang mga binibitiwan niyang pangako.
“Kasi parang ang dami kong sinabi nu’ng 2023 na ‘I want to do this, I want to do that.’ Pero I just realized like couple of weeks ago na I didn’t put enough actions to make it come true, to put it into reality. For example, it doesn’t have to be malalim po. Like puro ako ‘I want to eat healthy, I want to workout’, never ko siyang nagawa. Parang ‘yung workout na ‘yon parang 2016 pa yata eh, or like ‘I want to get my driver’s license’ pero puro ako ‘wala kasi akong time,’” Brillantes said when asked what era in her life that she wants to end,” sabi ni Andrea.
“Pero this year, I am going to make time and I am going to put an extra effort para magawa ko na talaga ‘yung plans ko for 2024. Stop procrastinating na rin. At saka ‘yung promises ko sa self ko, tutuparin ko this year. This is the year,” dagdag niya.
Samantala, muling nagpasalamat si Andrea sa lahat ng sumuporta sa “Senior High” mula nang una itong umere hanggang ngayong finale week.
“Sa lahat po nang sumusubaybay, sumusuporta at nanonood ng ‘Senior High’ maraming-marami pong salamat. Lahat ng eksena na ginawa namin dito sa ‘Senior High’ ay ibingay po namin lahat, lahat ng efforts, ‘yung heart po namin, lahat. So sobra po naming naa-appreciate na talagang pinapanood po ito ng mga kabataan and even the parents at sana po ay marami kayong natutunan sa show na ito,” sabi ni Andrea.