Payag na umano ang pamahalaan ng Taiwan ang multiple visa entry ng mga dayuhang manggagawa, kabilang ang overseas Filipino workers na nakabase doon.
Ayon sa ulat ng Migrant Workers Office sa Kaohsiung, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office na maaaring mag-apply sa naturang visas ang mahigit 150,000 OFWs.
Dagdag pa nito, maaaring bumiyahe sa nasabing teritoryo ang sino mang may hawak ng multiple-entry visa ng ilang beses habang epektibo ang visa.
Pinaalalahanan ng MECO ang OFWs na aalis ng Taiwan para magbakasyon na ipaalam sa kanilang manpower agencies, tatlong linggo bago ang kanilang biyahe para maasikaso ang kanilang resident certificate at mabigyan sila ng multiple-entry visa.