Inihayag ng Department of Health na dapat maghinay-hinay ang mga gumagamit ng intravenous glutathione na hindi aprubado ng Food and Drug Administration dahil sa panganib na maaari umanong maidulot nito.
“IV glutathione will whiten your skin and make you look really like caucasian, but it can damage your kidneys and kill you,” saad ni Health Secretary Ted Herbosa at dagdag niya, ginagamit ang IV glutathione sa mga ospital bilang rescue medicine para sa chemotherapeutic complications sa cancer.
“I’m telling you from the Department of Health. It is not safe. The FDA has not registered it for skin whitening. If there’s someone using it, it is illegal,” papaalala ni Herbosa.
Binanggit din ng kalihim ang isang ulat tungkol sa isang babae na nasawi matapos tumanggap umano ng glutathione at stem cell intravenous infusion mula sa isang klinika sa Quezon City.
“The point is a 36-year-old woman died when she shouldn’t have died. This is a preventable death and we need to act on this,” giit niya.
Sinabi ni Herbosa na inatasan na niya ang regional office na alamin kung lisensiyado ang klinika na magsagawa ng naturang procedure.
Paulit-ulit nang naglabas ng babala ang FDA sa publiko patungkol sa panganib na maaaring idulot ng injectable lightening agents gaya ng glutathione, na aprubado lang gamitin para sa cisplatin chemotherapy.
Nababahala ang FDA na may mga health at beauty salons, wellness spas, at beauty clinics na nag-aalok ng intravenous drip o infusion gamit ang skin lightening agents kabilang ang glutathione, vitamin C, at iba pang injections.