Nagbabala ang Department of Health nitong Miyerkules sa mga umano’y kumakalat na fake accounts umano ni DoH Secretary Ted Herbosa sa social media at giit ng ahensya, hindi pagmamay-ari ng kalihim ang alinman sa mga account na kumakalat online.
Ayon sa DoH, ang anumang mga pahayag, komento, o transaksyon na nagmula sa mga account na ito ay hindi ineendorso ni Health Secretary Herbosa.
Kaugnay nito, hinimok ng DoH ang publiko na maging mapagbantay at umasa lamang sa impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan o sources tulad na lamang ng ating himpilan at mga social media accounts na Bombo Radyo Philippines.
Ang pag-access sa mga official update ay pinapayuhan din sa pamamagitan ng mga awtorisadong social media handle at link ng DoH.