Hindi pa handang sumuko ng Meralco para sa pag-asang makapasok pa sa semifinals pero kinailangan pa nito na pagpagin ang Phoenix sa triple overtime, 116-107 upang mapanatili ang buhay nito sa quarterfinals ng Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni Chris Newsome ang nakakapagod na paghahamok sa kabila ng kawalan ng pinunong si Cliff Hodge.
Naibuslo ni Newsome ang buzzer-beating three-pointer mula sa gilid upang bigyang-lakas pa ang Bolts na huwag sumuko sa ikalawa at ikatlong overtimes para makuha ang panalo na naghatid sa serye sa isang sudden-death encounter .
Ang laro ay ika-14 na triple-overtime na engkuwentro lamang sa kasaysayan ng PBA kung saan ang huling nangyari sa knockout duel sa pagitan ng NorthPort at NLEX sa quarterfinals ng 2019 Governors’ Cup.
“It’s just one game. Whatever we did, Phoenix is a resilient team. They have young guys who can be physical,” saad ni Meralco coach Luigi Trillo.
“We had six guys in double figures. For us, whatever it takes. We’ve been in this situation before. We have to keep that momentum going. We have a lot of respect to Phoenix. You cannot rest against a team like them,” dagdag niya.
Si Hodge, ang defensive ace na tumulong sa Bolts na gumapang pabalik mula sa 15-pont deficit, ay napahiyaw sa pagkadismaya matapos matamaan ang bukung-bukong nang husto sa huling 2:17 ng unang overtime.
Kinailangan siyang tulungan ng mga kasamahan at hindi na bumalik, na nagbigay daan para sa mga shock troopers na sina Aaron Black, Allein Maliksi at Bong Quinto na makapaghatid ng mga napapanahong basket sa mga dagdag na yugto upang tuluyang mapatay ang Fuel Masters matapos makabangon mula sa 21-36 depisit sa ikalawang quarter.
Isang basket ni Quinto sa ikatlong overtime ang nagbigay-daan sa Bolts na tuluyang itaboy ang Fuel Masters may 36.4 segundo na lang ang nalalabi, 116-107, at palawigin ang serye sa isang desisyon noong Linggo sa Mall of Asia Arena.
“Sometimes, you have to find ways. Cliff (Hodge) got injured so Bong, who was comfortable at the three spot, had to move to the four. Back in Letran, he plays one to four,” sabi ni Trillo.
Pinangunahan ni Hodge ang scoring parade na may 20 puntos at 10 rebounds habang nagtapos si Quinto na may 19 puntos, kabilang ang matigas na layup na naghatid ng laban sa ikalawang overtime.
Nagpakawala ng 18 puntos at 20 rebounds ang import na si Shonn Miller bago nag-foul out sa huling bahagi ng laro habang nagdagdag si Maliksi ng 18 markers at pitong board para sa fifth-seed Meralco.
Kahanga-hanga rin si Newsome, nagtapos na may 16 puntos na may kasamang clutch three-pointer na nag-angat sa season ng Meralco mula sa bingit ng kapahamakan.