Aminado ang vlogger at ngayo’y aktres na si Zeinab Harake na talagang surprised siya sa mga bonggang regalo na mula sa boyfriend niyang si Bobby Ray Parks Jr. at ayon sa vlogger, patunay lamang ito na hindi lang sa aksyon ipinakikita at ipinararamdam ng sikat na cager ang kanyang pagmamahal kundi maging sa mamahaling mga gifts.
Dagdag pa niya, wala na siyang mahihiling pa sa pagkakaroon ng mapagmahal, generous at very thoughtful na partner.
Sa vlog niya, ipinakita ni Zeinab ang pagbubukas niya ng mga natanggap na regalo last Christmas at kitang-kita ang pagka-shock ng vlogger nang bumulaga sa kanya ang mga expensive gifts mula kay Bobby Ray, kabilang na riyan ang isang pair ng pink designer sandals.
Bukod dito, shookt din ang beauty ni Zeinab nang matanggap ang isang pares ng black designer heels mula pa rin sa kanyang galanteng dyowa.
Binigyan din siya ng basketball player ng isang white luxury bag at niregaluhan din ni Bobby ng isang women’s bible si Zeinab, na tinawag ng vlogger na “most special gift” mula sa kanyang partner.
Ibinahagi rin ni Zeinab ang bago niyang sasakyan na binili raw niya bilang regalo sa kanyang sarili at sa mga anak na sina Lucas at Zebbiana.
Samantala, nagpasalamat naman si Bobby kay Zeinab sa pamamagitan ng isang madamdaming mensahe sa kanyang Instagram page.
“Thank you for being my better half, mahal ko. You always find ways out of your busy schedule to come and support me,” ang caption ng cager sa kanyang Instagram post.
Dugtong pa niya, “I am blessed to have you as my partner and i truly am grateful for your love, patience and sacrifice. Looking forward our next adventure. I love you, Bel.”