“Sparks that fly” and “undeniable chemistry” ang pangmalakasang bentahe nina Maris Racal at Anthony Jennings, bilang mga katauhan nilang sina Irene Tiu at Snoop sa primetime drama na “Can’t Buy Me Love”.
Affluent girl at lalaking slap soil (hampaslupa) ang trope nina Racal at Jennings na talaga namang kina-aaliwan at kilig ang hinahatid sa mga manonood.
Si Racal, karir kung karir ang bratinella, sosyalin at ultra yayamanin, na tinik sa dibdib ni Caroline (Belle Mariano) sa nasabing serye. At si Irene lang talaga ang nakakapag-dabog ng bangs in a major, major way, huh! Ang kanyang colegial manner of speaking in Taglish, pati na rin ang kanyang sense of fashion, talagang bet na bet ng team descamisados at hoi pollois.
Si Anthony, na super tisoy pero poor sa palatatuntunan ay resident side kick at best friend ni Bingo (Donny Pangilinan).
Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat ibigay sa mga manunulat na nag-isip na panalong story arc ang aso’t-pusa, galit bati nina Tiu na hindi pwedeng itanggi na isang sojo (sosyal na jologs) at isang binatang nasa laylayan ng lipunan na may ginuntiang puso, kisig at likas na kakulitan at kapilyuhan.
Hindi ko tuloy maiwasang magtanong at magtaka, ano kaya ang pakiramdam ng DonBelle sa kaganapang ang support at unexpected team nina Irene at Snoop, eh palagiang trending at marami na sa madlang pipol ang may pananalig na mas loveable, kilig to the max at watchable ang bardagulan at harutan ng dalawa kesa kina Caroline at Bingo?
Ano ba iyan? Of late, ang mga supporting love team ang mas pansin na pansin, huh. Ganito rin ang nangyari sa papatapos ng “Senior High” mas patok na patok ang TimPoch nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenz, RoxChie nina Xyriel Manabat at Elijah Canlas kesa sa SkyObet, nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri, sa true lang.
Malakas na nga ang panawagan na tapusin na ang “Can’t Buy Me Love” para mabigyan sina Maris at Anthony ng sarili nilang show. Ang taray!
Ano kaya ang reaksyon ni Rico Blanco, boyfriend for real ni pretty young Miss Racal sa tagumpay ng Irene at Snoop tandem?
At may kasintahan kaya si Anthony na natutuwa at maaring gigil na gigil at gustong tapyasin na ang bangs ni Tiu dahil sa kaartehan at pagmamalabis nito kay Snoop?
Naku, naku, naku… more Irene at Snoop na mga eksena please. Sa totoo lang, breath of fresh air at wonder ang tambalang ito nina Maris Racal at Anthony Jennings. Waging-wagi!
***
Nagbabalik ang pambansang harot, si Juliana Lualhati, para maghasik muli ng kaba at gigil sa “Linlang” ang bersyong pang-teleserye nito na magsisimula sa Enero 22 (8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page.
Ang katauhang si Juliana, ang bumasag sa sugar and spice and all that is nice persona ni Kim Chiu, na best in adulting at kakirihan bilang asawang pinagtaksilan si Victor (Paulo Avelino) at ang kanyang kalaguyo at tunay na mahal ay si Alex (JM De Guzman), na kapatid ng kanyang legal na asawa.
Naku, naku, naku… tiyak ma more bashing at hating ang matatanggap ni Juliana lalo na nga’t sa free TV na ito itatanghal.
Sabi ni Kim Chiu: “Nagpapasalamat ako na kay Juliana sila nagagalit at hindi sa akin. It means na tama ang ginagawa ko sa role ko. Yung gamble to break free from my romcom image, inaamin ko takot na takot ako. Pero nung dumating na yung hatred kay Juliana at positive feedback sa pagbibigay buhay sa kanya, na I broke my comfort zone, ang sarap sa feeling na. Salamat po sa suporta, pagmamahal at tiwala.”
Kasama sa cast ng “Linlang” ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.
Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.