Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magsasagawa ito ng random checking kung ang mga pampasaherong jeepneys ay bahagi na ng kooperatiba.
Sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na kasama nila ang Land Transportation Office at Metropolitan Manila Development Authority para sa inspection at lalagyan umano nila ng stickers ang mga jeep na nagpapatunay na sila ay naka-consolidate na.
Kung matatandaan, nanindigan ang LTFRB na maituturing na colurom ang mga jeepney na hindi nakapag-consolidate ng hanggang Enero 31.