Patay ang isang 45-anyos na lolo nang mabaril siya sa subway sa New York matapos mamagitan sa dalawang nag-aaway dahil sa malakas na musiko, ayon sa mga pulis.
Napuruhan si Richard Henderson sa tama ng bala sa likod at balikat habang sumasakay sa subway papauwi ng bahay nitong Linggo ng gabi, sabi ng pulis sa isang pahayag, ayon sa Agence France-Presse.
Galing si Henderson sa panonood ng American football sa bahay ng isang kaibigan, ayon sa ulat ng CBS New York.
Walang inaresto ang mga pulis sa kasong tanda ng talamak na karahasan sa baril sa Estados Unidos kung saan mas marami ang baril kaysa mamamayan.
Ang pamamaril ay isa rin sa serye ng karahasan sa matandang subway ng New York. Limang milyong pasahero ang sumasakay sa subway ng siyudad araw-araw.
Noong Oktubre, isang lalaki ang namaril sa mataong subway train noong Abril 2022 na ikinasugat ng 29 pasahero. Nasintensyahan ang namaril ng sampung life terms.