Kaaliw naman ang mga netizens sa Instagram.
May isang post kasi ng video kung saan naka-shorts and bra lang si Liza Soberano. Makikitang nasa isang maliit na yacht siya at biglang tumalon sa dagat.
Pansin na pansin ng mga netizens na may umbok ang tiyan ni Liza. Agad-agad ay inisip nilang buntis ang dalaga.
“Sa comment section, kanya-kanyang opinion ang mga netizens. May nagsabing hindi naman buntis ang dalaga at medyo tumaba lang ito.”
“I don’t think she is tumaba lang .. goodness people- know the difference between buntis and chubby.”
“Parang engot lang eh noh. Mau buntis bang will do outdoor activities?”
“Tumaba or buntis sya it’s normal she is human and she have a boyfriend and she is have a right to do anything, everything in her own.”
“D naman tatalon yan kung buntis cya.”
“Hiding from your comments you are not just likely ugly outside but also in the inside. Shame on you!”
***
Aliw na aliw ang netizens sa tambalan nina Anthony Jennings at Maris Racal bilang Snoop at Irene sa Can’t Buy Me Love.
Natural na natural kasi ang acting nila at talagang nakakaaliw ang kanilang mga eksena.
Itong recent episode ay tawang-tawa ang mga televiewers sa isang eksena sa restaurant kung saan tinanong si Snoop kung ano ang gusto niyang orderin.
“Bigyan mo nga ako ng ano…’yung maputi? Bilugan ‘yun eh, tapos matambokl. Matambok ‘yun, eh,” say ni Snoop.
“Yuck. Eeew. Pervert,” tili naman ni Irene.
“Bakit? Bilugan, matambok, maputi, Siopao ‘yun,” sagot naman ni Snoop.
“Eh, you should have said siopao na lang. kung anu-ano pa ang sinasabi mo,” sagot naman ni Irene.
“O, sige, bigyan mo na lang ako ng siopao na matambok. Siopao na matambok,” say ni Snoop.
“Stop saying matambok, okay. Just siopao,” say ni Irene.
Apat na beses sinabi ni Snoop ang word na matambok bilang pang-aasar kay Irene.
Aliw na aliw ang televiewers sa eksena ng dalawa.
“Natural acting talaga tung dalwang to, kusang lumulutang chemistry nilang dalawa.”
“Sana magkaroon Sila Ng sariling movie or teleserye na sil Yung bida.”
“Manifesting for their own Movies and teleserye.”
“Sana tapusin na ang Cant Buy Me Love at gawan sila ng sarili nilang series na romcom. Sila na lang ksi ang bumubuhay sa series.”
“I love their chemistry. hindi sila boring. nakakaaliw sila ni snoop, yung natural lang ang datingan ng mga acting. Yung OA character niya sa kaartehan pero hindi OA dating sa mga nanunuod.”
“Nagagalingan ako sa kanila hahahah ang cute nilang tingnan hahahah.”
***
Walang takot na inamin nina Kyle Echarri at JK Labajo na carry nilang gumawa ng BL project.
Sa finale presscon ng Senior High, sinabi ng dalawa na game silang gawin ang mga eksena nina Zaijian Jaranillat at Miggy Jimenez na gumanap nilang Tim at Poch respectively.
“Ang chemistry namin ay off-cam,” say ni JK.
“Puwede kaming mag-team Poch,” say naman ni Kyle.
“As long as you’re doing it” ang sagot ni Kyle kung willing siyang gumawa ng BL project with JK.
Mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto sa Senior High na tumabo na sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale sa Enero 19.
Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.
Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna. Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).
Dapat din abangan ng mga manonood ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna. Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya.