Hindi nakapalag ang aktres at sexy vlogger na si Ivana Alawi nang tila ma-hot seat siya sa naging collab nila ng aktres na si Bea Alonzo, lalo nan ang inusisa ni Bea ang love live ng leading lady ngayon ni Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo.
Sa latest vlog ni Bea, sumailalim si Ivana sa na “A to Z Challenge” na isang klase ng question and answer portion na kung saan ang mga katanungan ay naka-alphabetical order.
Tuwang-tuwa si Bea dahil bukod sa ito ang first vlog at first meeting nila ni Ivana ay unti-unti niya rin nakilala ang vlogger.
“This was my [first] time meeting her, and I’m happy na mas nakilala ko siya through this challenge,” caption niya sa video.
Nang matanong ng “What COLOR best describes your lovelife right now?” Pink ang isinagot ni Ivana, na sinegunduhan naman ni Bea ng tanong na “Are you dating anybody right now?”
Tumango naman agad si Ivana at nag follow-up question na si Bea sa kanya, “Namumula ka girl! Bago pa lang. Kilala ko ba ‘to?”
Sey naman ni Ivana, “Hindi siya artista. Ayoko ng artista.”
“Ano ba ang tipo mo sa lalaki?” sambit ni Bea.
Pagbubunyag ng vlogger, “Alam mo, ayoko ng poging poging pogi, pero gusto ko ‘yung ugali niya. Sa ugali ako na-iinlove.”
“Anong ugali ‘yung pinaka type mo?” tanong ulit ng aktres.
Sinagot pa rin ito ni Ivana at sinabing, “Gusto ko ‘yung honest tapos ‘yung caring sa family. Like, how he treats his family.”