Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na ramdam niya ngayon ang enjoyment lalo’t isa na siyang solo artist sa mga ibinibigay na projects sa kanya ng ABS-CBN.
Naniniwala ang lead star ng hit Kapamilya suspense-drama series na “Senior High” na mas marami siyang magagawang challenging roles kung iba-iba ang nakaka-partner niya.
“I think nagsisimula po siya, nag-start pa lang kasi ako ng acting ko at the age of 7. Parang nagkaroon na rin ako ng kaunti-kaunting partner sa Annaliza, I was 10. Si Grae (Fernandez), si JK (Juan Karlos) then actually naging partner ko before,” sabi ni Andrea.
“Ang dami ko pong pinagdaanan sa mga shows ko na lagi akong may nakakapartner tapos noong nagkaroon ako ng opportunity na parang pwede na ako mag-solo artist parang gusto ko siya i-explore,” sabi pa niya.
“Tapos ngayon super ko po siyang nae-enjoy lang at mas nakikilala ko kasi yung sarili ko at yung sarili ko bilang isang actress at mas marami na po ako pwedeng paglaruan at mas marami na po ako pwedeng makatrabaho na bago,” dagdag pa ng dalaga.
Ayon kay Andrea, looking forward na siya sa mas matitindi pang challenge sa kanyang acting career at mas gusto niyang mag-experiment pa bilang solo actress.
“Parang ang tagal ko na kasi maraming partner. I want something new at habang mas bata pa ako, mas madali pa mag-explore and habang di pa ako super sanay na maging super dependent din po sa, for example, kung magkaka-partner din po ako. I think, personally mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa po ako,” sabi ni Andrea.