May artistic collaboration ang Pambansang Gwapo, si SB19’s Ken Suson at Ylona Garcia. Kinanta nila ang original song ni Felip Jhon ang DrinkSmoke para sa isang gaming event.
Kilig ang mga nakapanood sa pagtatanghal ng dalawa dahil bombastic ang on-stage chemistry, in sync ang mga boses, at ang body language nila, naku, naku, naku, I feel the body electric talaga!
Akala ng lahat eh mahihiya si Suson kay Garcia kasi nga bukas na ajlat naman na may paghanga siya sa dalagang mang-aawit.
Post nga ni Ken sa kanyang social media account: “Thank you @ylona_garcia for that awesome collab of DRINKSMOKE! The verse you wrote was on fire!”
Ang on-fire para sa nakapanood ng performance nina Ken at Ylona, eh yung portion na umikot ang dalawa on stage at eyes on each other talaga sila. Pati na rin yung nag-bow ang mga ito, at nag-flying kiss si Felip Jhon kay Ylona.
Juice colored, Ylona Garcia! Ikaw na talaga ang bukod tanging babae na pinagpala sa lahat. Ano ba ang pakiramdam na may flying kiss na inalay sa iyo ang Pambansang Gwapo ng Pilipinas? Ning, yung totoo?
Best in professionalism talaga ang iba pang miyembro ng SB19 sa kanilang performance, Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat ibigay kina John Pablo Nase, Justin De Dios, Josh Cullen Santos at kay Ken siempre pa dahil salitan sila sa pagkanta ng mga singing part ni Stell Ajero. Nasa bansang Hapon pa kasi si Stell at hindi nakauwi para sa nasabing pagtatanghal.
Congratulations kay Felip Jhon Suson at Ylona Garcia sa inyong unang collaboration. Pwede ba yung kasunod, love song naman? Ay! Kilig lalo yun, sigurado, siento porsiyento!
***
Grabehan ang feels at kilig na mararamdam sa kissing scene nina Andrea Brillantes at Kyle Ehcarri, sa totoo lang.
“It’s her first time, it’s my first time,’ iyan ang sinambit ni Kyle Echarri patungkol sa tamis ng unang halik moment nila ni Andrea Brillantes sa “Senior High”.
Nangyari ang first kiss nina Obet at Sky (mga katauhan nina Echarri at Brillantes) sa prom night episode ng pangmalakasang teen-drama.
Damang-dama. Punong-puno ng pagmamahal a ng halikan nila. True love’s kiss ika nga! Wala talagang duda na bagay na bagay na magkapareha sina Blythe at Kyle, sa totoo lang.
Ang isa pang grabeng kaganapan, si Zaira o Z (Daniela Stranner) ang pumatay/tumulak kay Luna. Kahit si Archie (Elijah Canlas) nabigla sa katotohanan. Ang husay-husay ng magkapatid na Aguerro sa eksena nilang dalawa. Mahusay kasi yung pagwawala , galit at katotohanang sumambulat mula mismo sa katauhan ni Stranner, totoong-totoo ang galit niya kay Luna at wala siyang remorse sa kaganapan.
Ang galing rin ni Canlas na kahit pa nga may ginawang mali ang kaoptid na babae, umiral pa rin ang pagka-kuya nito, yung kahitt nagugulumihanan siya sa nalaman, ginagawa ang lahat para ma-proseso ito at bigyang solusyon ang kanilang kalagayan.
Ang susunod na kabanatang mapapanood ay malalaman natin kung napuruhan ba talaga si Obet sa pagbaril sa kanya. Kung buntis nga ba talaga si Roxie (Xyriel Manabat) ni Archie. Ngayong out na ang relasyon nina Tim (Zaijan Jarnailla) at Poch (Miggy Jimenez), ang first love kiss na todo na to ang inaabangan sa dalawa.
Kaabang-abang siempre pa kung ano ang magiging galawan at reaksyon ng mga adult na katauhan ngayon sumambulat na nga ang katotohanan.
Huling linggo na ngayon ng “Senior High” kaya mga ka-Tirada, pakatutukan.