Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na nakatuon ang kanyang atensyon ngayong taon sa kanyang trabaho at nais niyang ito ang priority niya kaysa sa magkaroon ng lovelife.
Ayon sa dalaga, happy siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay.
“Parang hindi pa ko umabot sa part na gustong gusto ko na [lovelife] ‘yung parang sige na ibigay niyo na sakin ‘to, hindi pa naman ako umabot sa ganon,” saad ni Sanya. “Ayoko rin namang umabot kasi so far lahat ng nangyayari sa akin happy talaga ako.”
Sinabi rin ni Sanya na kung sakali ngang magkaroon siya ng BF ay mukhang hindi niya kayang ma-fulfill ang ilang demands pagdating sa isang romantic relationship.
“Hanggang ngayon hindi pa binibigay satin, ang sabi daw kapag swerte ka sa career talagang pagdating sa love life mailap,” sabi ng dalaga. “Parang ang hirap pumasok sa isang love life na hindi mo maibigay ‘yung tamang oras para sa kanya.”
“Parang nabanggit ko ‘yun before na kapag may binigay sakin isang bagay focus talaga ako doon, kaya ‘nung binigay sakin ‘yung trabaho talagang tutok ako dito,” dagdag pa niya.
Nag-open up din si Sanya na ilang beses na rin siyang sumubok na magkaroon ng lovelife, pero pakiramdam niya ay hindi talaga ito ang kanyang prayoridad sa buhay ngayon.
“Nagkaroon rin ako ng lovelife, dumating rin naman tayo sa lumalove life. Kaya lang ‘yung may mga moment talaga na ang demand nila sakin time kasi mas nagfo-focus talaga ako kung ano yung pinaka feeling ko priority [trabaho],” sabi ng dalaga.
“Naniniwala kasi ako na kapag para sayo kahit na anong bagay tao man o ‘yung trabaho o kahit na ano, kapag para sayo ibibigay talaga para sayo ‘yun at hihintayin ko ‘yung bagay na ‘yun,” dagdag niya.