Inihayag ni Albay Second District Representative Joey Salceda na suportado umano niya ang panawagan ng karamihan sa mga alkalde sa lalawigan na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative.
Ayon sa mambabatas, may pangangailangan ng amyendahan ang Constitution na siyang matagal ng consensus sa House of Representatives at ipinunto rin niya na ang pamunuan ng koalisyon ng Pangulo — kabilang ang sariling partido nito — ay nakatuon din sa ideya ng Charter Change.
Dahil dito, naroroon ang pampulitikang masa na kinakailangan para sa pagbabago ng konstitusyon.
Binigyang-diin ng Kongresista na natural at normal lamang para sa isang demokrasya na bansa na baguhin ang kanilang Konstitusyon, upang umangkop sa mga umuusbong na pangangailangan ng panahon, gayundin ang pagsasaayos para sa mga kondisyon na hindi naisip ng mga nagbalangkas.
Inihalimbawa ni Salceda ang Konstitusyon ng Estados Unidos, na siyang modelong konstitusyon para sa mga Republika tulad ng Pilipinas na na-amyenda nang 27 beses.
Kabaliktaran ito sa Pilipinas na mahigit 40 years na hindi pa rin na-amyenda ang 1987 Constitution sa kabila na may mga probisyon ang kailangan ng rebisahin.
Aminado si Salceda na ilang beses ng tinangka ng Kamara na isulong ang charter changes subalit matamlay ang tugon ng senado ukol dito.
“Being nationally elected representatives of the people, it should be more encouraging to Senators to heed the electorate’s call via People’s Initiative. As such, I support ongoing efforts to initiate Charter Change through the direct involvement of the voters,” saad ni Salceda.
Ipinunto din ni Salceda, mas mainam na simulan ang Charter Change bago pa man ang 2028 Presidential Elections, para makasiguro ang publiko na hindi ito pagtatangkang pahabain ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.