Inihayag ng Presidential Communications Office na bumiyahe papuntang Brunei si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong maimbitahan sa royal wedding ng anak ni Sultan Hassanal Bolkiah.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta Marcos.
Makakasama rin ng Pangulo ang iba pang mga heads of state na inimbitahan din sa royal wedding ni Royal Prince of Brunei Abdul Mateen at si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.
Si Prince Abdul Mateen ang ika-anim sa linya ng succession sa Bruneian throne habang si Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam ay isang negosyante na nagmamay-ari ng isang fashion brand at tourism company.
Ayon sa Palasyo, ang Brunei ay tahanan din ng nasa 22,000 overseas Filipino workers.
“The President’s attendance at the royal wedding reaffirms the strength of the bilateral ties between the Philippines and Brunei,’’ pahayag ng PCO.