Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na payag siyang makatrabaho ang aktres na si Maris Racal sa paggawa ng lesbian movie o Girl Love movie pero paglilinaw ng dalaga, hindi pa siya sure kung ready na siya sa ganoong klase ng genre.
“I don’t know if I’m ready for a movie like that,” saad ni Nadine. “Ako naman, I’m always leaning towards a good script. If it is always a good script, down naman ako to do it.”
Kasunod niyan ay nabanggit na sa kanya na isa siya sa mga nais makatambal ni Maris in the future pagdating sa nasabing genre.
Na-excite naman bigla si Nadine at tila kinilig nang malaman ito, kaya ang sagot niya: “Yeah, let’s see. Ako game ako.”
“I’m very collaborative, and I love working with different people. Sobrang excited. I just love when a lot of people kind of want to work with me. I’m looking forward to that,” sabi ni Nadine.
Kung matatandaan, nabanggit ni Maris sa isang interview na nais rin niyang gumawa ng romantic-comedy na GL movie.
Maliban kay Nadine, gusto rin daw niyang makatambal ang isa pang aktres na si Barbie Forteza.