Iniulat ng Bureau of Immigration nitong Linggo nan aka-aresto ang mga operatiba nito ng nasa 128 foreign fugitives noong 2023.
Kabilang sa mga nahuli ay mga may kasong economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery at smuggling.
Ayon sa Fugitive Search Unit ng BI, nasa 39 South Koreans ang karamihan sa mga naarestong pugante. Nahuli rin ng mga awtoridad ang 25 Chinese, 15 Vietnamese, 12 Taiwanese, 11 Americans, at 8 Japanese.
Binanggit din ng ahensya ang mga pag-aresto kina Risa Yamada, Fujita Kairi at Sato Shohei noong Enero, Marso at Abril, dahil sa kanilang kaugnayan sa sindikatong “Luffy”.