Iniintriga ngayon ang aktres na si Lovi Poe kaugnay sa umano’y tunay na dahilan ng pag-alis niya sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo,” na buntis ito at may mga nambu-bully sa kanya.
May mga naglalabasang balita na hindi naman totoong buntis si Love dahil nasa ibang bansa naka-base ang mister niya na si Monty Blencowe kaya nga kapag mahaba-haba ang break niya sa taping ay lumilipad ito para makasama ang hubby.
Wala rin umanong katotohanan na nabu-bully ang aktres dahil sino nga naman ang maglalakas-loob na gawin ito sa anak ng namayapang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.?
Sa ngayon ay talagang ini-enjoy ni Lovi ang kanyang bakasyon sa ibang bansa na ilang beses na niyang pino-post sa kanyang Instagram account ang bahay na tinutuluyan niya sa Alabama, USA.
“Getting cozy [heart emoji] This is home for the next few weeks + a view of where I get work done and read my scripts from. It’s still Friday here but happy weekend to everyone back in Manila,” saad ni Lovi sa isang social media post.