Sa labing dalawang taong relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, totoo nga kaya ang pangmalakasang chika sa Ekis na pinaka-sikat na Padilla sa kasaluluyang panahon, eh anim na beses pinagtaksilan ang kanyang iniirog?
Totoo nga kaya na ang tatlong aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto at Gillian Vicencio, ay tatlo sa anim na naging mga babae sa dako pa roon ni young master Daniel John? Na kaya mabilis ang aksyon ni Queen Kath na tablahin ang tres Marias dahil may hawakang itong pangmalakasang ebidensya sa closeness nila kay Padilla?
Totoo rin kaya na ang isa sa mga unang kataksilan ni Daniel ay puwede nating itago sa pangalang Jasmine Curtis Smith at may bukas na kasayasayan naman ang ‘recording scandal’ na meron ang dalawa na nagkasama sa isang pelikula dati?
Ang nakakagtumbling na chika sa Ekis, totoo nga kayang ang isa sa mga naunang Star Magic prinsesas, ate na nga talaga dapat ang pagturing, si Kaye Abad, kasama nga ba sa anim na naging tinik sa dibdib ni pretty young miss Kathryn Chandria?
At siyempre, ang hindi mamatay-matay na chikang inantay niya nga lang maging of legal and voting age si Andrea Brillantes kaya kasama ito sa mga los mujeres na nagpadabog sa bangs ni Bernardo?
Eh ang non-showbiz Vietnamese girl na hindi pa rin nailalantad ang pangalan at hilatsa, totoo nga bang ito talaga ang last straw para kay Kathryn at talagang siyang dahilan kaya naging pinal ang paghihiwalay ng dekolor at puti nila ni ginoong Ford?
Gaano rin kaya katotoo ang ad on information mula sa mga katkatera na nung pandemya lamang naging a very good boyfriend itong si Padila?
Ay! Ang daming mga tanong! Magkaka-alaman na naman kung talagang time is the ultimate truth teller sa mga kaganapang ito, huh!
Haharapin ba ni Daniel ang mga alegasyon at akusasyon o mas pipiliin nito ang mga taktikang “less talk, less mistakes” at “silence is my best defense?”
Katotohanan, at pawang katotohanan ang pwedeng magligtas sa karera, pangalan, reputasyon, pagiging lalaki at pagkalalaki ni Daniel Padilla sa pagkakataong ito.
Nawa’y kung ano mang ang bersyon ng kanyang katotohanan, eh maipaliwanag niya at naway hindi pa huli ang lahat kapag isiniwalat niya ito.
Sa ngayon kasi, ang simpatiya at suporta ay na kay Kathryn Bernardo. Kaya kung talagang gusto nito na maisalba ang kanyang imahe at karera, kailangan na niyang ibahagi ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.
Kaso, handa ba at kakayanin natin ang bersiyon ng katotohanan ni Daniel Padilla? Ay! Talagang kaabang-abang ang mga susunod na kabanata, sa totoo lang!
***
Ngayong alam na nating lahat na gusto pa ring manood ng mga Pinoy sa mga sinehan, basta ang mga pelikula ay may kalidad, maayos ang pagkakahabi at pagsasalaysay sa kakaiba o kaya ay napapanahong kwento,mahuhusay ang mga artista, maingay ang promosyon, tradisyonal man at sa new media, at ang mga aspektong teknikal ng pelikula ay nakamamangha at matingkad, kamusta naman kaya ang pagtanggap at pagyakap sa mga bagong pelikulang ipapabalas sa mga sinehan matapos ang glorya sa takilya ng MMFF?
Ipinalabas na ang “My Zombabe”, bida dito sina Empoy Marquez at Kim Molina, kumita man lang ba ito o sila-sila lamang ang nakaka-alam kaya sila-sila rin lang ang nakapa-nood?
Ang “Road Trip”, na bida ang mga tunay na magkakaibigang sina Janice de Belen, Gelli de Belen, Carmina Villaroel at Candy Pangilinan, mag-trip to the cinemas kaya muli ang mga may purchasing powers o mas gusto nilang mag-trip to Jerusalem game sa kanilang mga balay?
May pangrahuyo na nga ba talaga si Donny Pangilinan at kaya nitong magdala ng pelikula, ang “Good Game” kung walang Belle Mariano sa equation? Pag hindi tinao ang pelikula tungkol sa online games na ito, alam na alam na persepsyon lamang pala, at hindi pa totoong sikat si young master Pangilinan.
Well, well, well, talagang pagdating sa panonood ng mga pelikula, tunay na clear case of mekus mekus at weather-weather pa rin kung susugod ba ang lahat sa mga sinehan.