Naka-isolate ngayon ang aktres na si Jessy Mendiola makaraang mahawang muli ng Covid-19 at sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang litrato ng kanyang mister na si Luis Manzano habang pinapadede ang panganak nilang anak na si Rosie o mas kilala bilang Baby Peanut.
Ayon pa sa aktres, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang esposo dahil inaalagaan daw nitong mabuti ang kanilang anak habang siya’y may sakit.
“Thank you for taking care of her papa @luckymanzano [red heart, folded hands emojis],” saad ni Jessy sa caption at aminado rin siya na nahihirapan siya dahil hindi niya nakakasama ang kanyang pamilya.
“It’s so hard not to be with you guys, but momma has to isolate first [folded hands emoji] Covid is still very much around guys! Ingat,” sabi ni Jessy.
Pangalawang beses nang tinamaan ng Covid-19 si Jessy at noong una ay habang habang ipinagbubuntis niya si Baby Peanut.