Ang aktres na si Bianca Umali ang nais na makasama sa isang project ng bagong hirang na best actor ng MMFF 2023 na si Cedrick Juan at ayon sa kanya, isa si Bianca sa mga pinakamagagaling na aktres ngayon.
Sa panayam ng Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng aktor na nais niyang makasama si Bianca kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na maging parte ng isang teleserye.
“Well… actually, madami. Top of mind, Bianca Umali. I think one of the good actresses ng GMA,” sagot ng theater and movie actor.
Samantala, sinabi ng aktor na marami umanong nagpaparamdam sa kanya ngayon pagdating sa trabaho.
“Sa ngayon, Tito Boy, maraming lumalapit na management tapos gusto ko maka-meeting talaga sila lahat kasi gusto kong marinig at maramdaman ’yong genuine thoughts talaga for me,” lahad ni Cedrick
“Kasi, I think, ganyan din kami nagsimula ng IdeaFirst Company. That was six years ago na doon ko naramdaman sa kanila na hindi lang nila ako kinukuha just to fill ’yong mga slots. Gusto talaga nila ako kasi nakita nila ’yong potential sa akin,” dagdag niya.
Samantala, natanong din si Cedrick kung niligawan o naging nobya ba niya ang StarStruck Season 6 graduate and Bubble Gang actress na si Analyn Barro.
Sagot dito ng aktor, plinano lang daw niya noon na manligaw kay Ana pero hindi raw ’yon natuloy.
“Hindi po siya talaga niligawan. I think, parang I just tried pero hindi siya nag-work,” sabi ni Cedrick.