Tinanggal ng mga opisyal ng edukasyon sa Austria ang isang guro sa elementarya dahil sa sideline niya bilang online love coach.
Sinibak ang 47 anyos na gurong babae nang makita sa TikTok at Facebook na siya si “Orgasm-pope” na nagtuturo sa mga kliyente kung paano marating ang climax o rurok sa pakikipagtalik nang maraming beses, ayon sa ulat ng dyaryong Oberoesterreichische Nachrichten.
Ang mga customer ng guro ay tinuturuan sa pamamagitan ng pagdinig sa kanyang mga sesyon sa Zoom, ayon sa ulat.
Nasibak ang guro bago mag-Pasko.
Sinabi ng school board na wala nang kumpiyansa ang publiko sa guro na gampanan niya ang kanyang tungkulin, pahayag ni Alfred Klampfer, ang pinuno ng school board.
Sabi naman ng guro na wala siyang ginagawang mali at hindi siya naghubad sa online.
Kumuha ng abugado ang guro upang labanan ang pagsibak sa kanya sa korte.
Ayon sa guro, ang school board ay dapat na nakakaunawa na sa ika-21 siglo.