Nakatakdang magkaroon ng dayalogo ang kampo ni Paris Olympics-bound Eumir Marcial sa liderato ng Philippine Sports Commission upang maplano na ang gagawing paghahanda ng boksingero para sa gold medal quest nito.
Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, may plano umanong professional fight para kay Marcial na siyang magiging krusyal na hakbang sa Olympic bid nito.
Nakatakda na umano ang planong laban sa Marso at mga venue sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex — ang Ninoy Aquino Stadium at Rizal Coliseum – ang tinitingnan na mga lugar kung saan maaring idaos ang laban.
Dahil aprubado na umano mula sa Manny Pacquiao-owned MP Promotions, sina Gibbons at fellow high-ranking executive Joe Ramos ay makikipag-usap kay PSC chairperson Richard ‘Dickie’ Bachmann ang plano ni Marcial para sa Paris Olympics.
Ang Olympics ay nagaganap mula Hulyo 26 hanggang Agosto 9.
Sa ngayon, ang matapang na si Marcial, na kumuha ng bronze sa Tokyo, ang tanging boksingero na nakakuha ng Olympic grade.
Ang Philippine boxing team ay naghahanda para sa huling dalawang natitirang Olympic qualifiers sa Italy sa Pebrero at sa Thailand sa Hunyo.
Bukod kay Marcial, ang tatlo pang Paris qualifiers ay kinabibilangan ng gymnast na sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan at pole vaulter EJ Obiena.
Mula nang makapasok sa pro rank noong Disyembre 2020, apat na beses na lang lumaban si Marcial, ang huling nangyari halos isang taon na ang nakalipas sa San Antonio, Texas, kung saan binugbog niya si Ricardo Villalba ng Argentina.