Nagkaroon umano ng realization ang aktres na si Kylie Padilla matapos nitong magbakasyon sa Japan at ayon sa kanya, marami umano siyang mga nadiskubre sa kanyang sarili ilang araw niyang pamamalagi sa naturang bansa.
Nakabalik na siya sa Pilipinas kamakailan at sa kanyang IG broadcast channel ay ibinahagi niya sa kanyang supporters ang mga natutunan niya mula sa pagbabakasyon sa Japan.
Inamin ni Kylie na mula noong naghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica ay talagang nakaramdam siya ng matinding takot dahil mag-isa na lang niyang palalakihin at itataguyod ang mga anak.
Dahil dito, talagang halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho at nakalimutan na ang magpahinga. Matinding pressure ang nararamdaman niya dahil sa mga anak nila ni Aljur na sina Alas at Axl.
“Reflection ~ since this tokyo trip I have realised so much. Ever since my separation with my ex I have been so afraid of life. Afraid of relaxing and letting go of my grip on control. I didn’t know how much single parenthood scared me. Having two young kids rely on you while you are falling apart is so much pressure pala,” saad ni Kylie.
Ngunit nangako si Kylie sa sarili na mas magiging matapang at palaban siya ngayong 2024 kasabay ng pagsasabing proud siya sa mga challenges na pinagdaanan at pinagtagumpayan niya nitong mga nakaraang taon.
“I was bursting at the seams, but looking back, I’m so proud of how far I’ve come. 2024 is here, and I think I can afford to calm down. Since abundance is my (mantra) this year, maybe the lesson is the more you let go, then the more you can accept into your life. More help, more calmness, and more smiles rather than overthinking,” saad ng aktres.
“I am loved, I am ok and I am supported. Hay. Amen for everything,” dagdag niya.