Isang 18-anyos na babaeng estudyante ang nasawi matapos umanong salpukin ng isang SUV ang sinasakyan nitong tricycle sa Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Angelica Fernando at batay sa mga paunang ulat, nakatulog umano ang driver ng SUV habang nagmamaneho.
Sa kuha ng CCTV camera sa bahagi ng Barangay Mabini Homesite sa Cabanatuan City, makikita ang SUV na minamaneho ng driver na kinilalang si Serbando Eusebio, na biglang lumihis ng takbo at nabangga ang kasalubong na isang kotse at dalawang tricycle.
Isa sa dalawang tricycle ang sinasakyan ni Fernando.
Walong iba pa ang sugatan, kabilang ang driver ng SUV.