Aminado ang Vivamax star na si Christine Bermas na mayroon siyang mga pinagdaanang pagsubok noong nakaraang taon.
Ayon sa dalaga, nakaranas siya ng mental health problems nitong nagdaang 2023 dahil sa iba’t ibang isyu niya sa buhay at ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit dalawang pelikula lang ang nagawa niya last year.
Dagdag niya, mas inuna raw kasi muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili kesa sa trabaho at career.
Aminado rin ang dalaga na maligaya raw siya ngayon sa piling ng boyfriend niyang Italian-Canadian model at hunk actor na si Nico Locco.
Ngayong 2024, kasama si Christine sa bagong offering ng Vivamax – ang “Bedspacer” kung saan kasama rin niya si Micaella Raz.
Sa direksyon ni Carlo Obispo, kasama rin sa movie sina Matthew Francisco, Aria Bench, at Aila Cruz sa “Bedspacer”.