May pananaw ang aktres at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay sa pagiging breadwinner ng pamilya at ayon sa kanya, mayroon ding hangganan ang pagiging isang breadwinner.
Sa isang video mula sa Cosmopolitan Philippines, natanong ang actress at beauty queen tungkol sa isyu ng pagiging breadwinner.
“A lot of Filipinos are breadwinners of their families and mahirap kapag sinanay mo na rin in a certain way,” saad ni Pia. “You need to have a conversation with them. You need to be honest and upfront. Pwede mo rin namang unti-untiin, na instead of completely cutting off financial support pwedeng babawasan mo muna.”
“Or maybe suggesting the idea that your siblings find a job of their own. Or opening up the idea to your parents na, ‘Ma or Pa, parang gusto ko nang mag-ipon kasi siyempre gusto ko ring magkaroon ng sarili kong pamilya. Tingin mo?’ Tapos pakinggan mo lang,” dagdag niya.
“Start the conversation, you don’t have to shock them. I don’t think something like this will have a good reaction if you just rip it off like it has to be done slowly, parang you taper off the support paunti-unti,” sabi pa ni Pia.
Sey pa ng aktres at TV host, hindi masama ang pagtigil sa pagbibigay ng financial support sa pamilya.
“Breadwinners always have this guilt na parang, ‘Oh am I being selfish if I don’t help anymore?’” sabi ni Pia.