Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga debotong Katoliko sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno at sa kanyang pahayag, hinikayat ng Pangulo ang mga Pinoy na gawing inspirasyon ang aktibidad upang matuklasan ang panloob na lakas at bagong pakiramdam ng pagasa.
Dagdag pa niya, ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita ng pag ibig at sakripisyo ng Panginoong Hesu Kristo na inalay ang buhaý nito para pagbuklud buklurin ang sangkatauhan.
Sinabi rin ng Pangulo na ang Pista ng Itim na Nazareno ay isang kahanga-hangang pagdiriwang ng walang hanggang awa at walang hangganang pagmamahal ng Poong Maykapal sa lahat.
Hinimok din ni Marcos ang mga mananampalataya na paalalahanan ang kabutihan ng pagtanggap sa pagdurusa ng isang tao at sumailalim sa espirituwal na pagbabago.
Sinabi rin niya na dapat palalimin ng mga mananampalataya ang kanilang kaugnayan sa Diyos at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at pakikiramay sa mga Pilipino at sa bansa.