Hindi pinalampas ng aktres na si Xyriel Manabat ang isang recent incident na naranasan niya at talagang sizzling ang mga salitang pinakawalan niya laban sa mga umano’y matatandang hindi marunong rumespeto.
Palaban at matapang na naglabas ng saloobin ang “Senior High” star tungkol sa naging karanasan niya sa isang taong hindi niya pingalanan.
Batay kasi sa IG post ng dalaga, mukhang hindi napagbigyan ni Xyriel ang request o nais mangyari ng naturang indibidwal.
“Let us all establish respect. Disappointing how elderly people, who we respect is very entitled. How they can put words into our mouth just because they didn’t get it their way,” saad ni Xyriel.
“Hinding hindi po ako hihindi ‘pag nag ask po kayo ng favor AS LONG AS maayos po yung approach ninyo at hindi po nakakabastos po,” dagdag niya.
Ipinagdiinan pa ni Xyriel na wala siyang ginagawang masama sa kanyang kapwa at marunong siyang rumespeto kahit kanino, sa bata man o matanda.
“Hindi po ako maramot o umaayaw o humihindi nang walang rason. Marahil nabastos po ako o walang galang ho ang pag-approach ninyo,” sabi pa ni Xyriel.
Marami namang nagpahayag ng pakikisimpatya sa dalaga at nagsabing marami ring matatanda ngayon ang bastos at walang pakialam sa kanilang kapwa.