Tumaas ang approval at trust rating ni Vice Preisdent Sara Duterte sa isang survey na inilabas ng Pulse Asia nitong Lunes kung saan nakakuha ang Bise ng Presidente ng 74 percent approval at 78 percent trust rating.
Batay sa survey na isinagawa noong December 3 hanggang 7 2023, tumaas umano ng one percentage points ang approval rating ni Duterte kumpara sa 73 percent approval rating niya noong September 2023.
Tumaas din ng three percentage points ang trust rating ng Bise Presidente mula sa 75 percent noong September 2023.
Samantala, sinundan naman si Duterte ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mayroong 68 percent approval rating at 73 percent trust rating na tumaas rin kumapara sa nakuha niyang 65 percent at 71 percent Setyembre ng nakaraang taon.
Kasunod naman ng Pangulo si Senate President Juan Miguel Zubiri na nakakuha ng 49 percent approval at 51 percent trust rating. Ang kanyang approval rating ay bumaba kumpara sa 50 percent noong Setyembre ng nakaraang taon, habang tumaas naman ang kanyag trust rating mula sa 49 percent.
Si House Speaker Martin Romualdez naman ang nakapagtala ng pinakamababang approval rating na pumalo sa 39 percent – mas mababa kumapara sa 41 percent approval rating niya noong September 2023.
Ang trust rating naman ng House Speaker ay tumaas sa 40 percent mula sa 38 percent noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ang isinagawang survey ng Pulse Asia ay mayroong 1,200 adulty respondents at mayroong ± 2.8% error margin.