Hindi mapigilang maiyak ni GMA artist Claire Castro nang amining naaapektuhan siya sa mga paninirang sinasabi ng mga netizen online laban sa kanya.
Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng host si Claire kung gaano kahirap ang maging sexy.
Pag-amin ng aktres, hindi niya itinuturing ang sarili bilang sexy dahil umano sa mga nababasa niyang comments online na aniya’y nagiging dahilan para pagdudahan niya ang kanyang sarili.
“To be honest po, I really don’t consider myself sexy. Hala baka maiyak ako,” sabi ng aktres habang nilalabanan ang pag-iyak.
“Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ganon.. ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'” pagpapatuloy niya.
“How much do you listen to comments..to what people [say]?” tanong uli ni Tito Boy.
“A lot,” tugon ni Claire.
“That’s what she (Myrtle Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun..Kristoffer Martin, ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think.
I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” dagdag pa ni Claire.
Pinayuhan naman ni Tito Boy ang 25 anyos na aktres na huwag makinig sa sinasabi ng ibang tao at laging balikan ang tunay niyang identidad.
“I would just like to say, do not be defined by what other people say. Ang tao, laging may masasabi tungkol sa ‘yo. But I think you have to go back to your core, ‘Who am I? Who do I love? Who do I like?’ Do not define yourself by the noise,” sabi ng beteranong host.
Si Claire ay anak nina 90s stars Raven Villanueva at Diego Castro, ayon sa GMA News.
Bibida siya sa bagong Kapuso TV drama ngayong Enero na ‘Makiling’ kung saan makakasama niya sila Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Myrtle Sarrosa, at Kristoffer Martin.