Si SB19 Justin de Dios, ang pambansang bunso ng Pilipinas, artista na at ang kanyang pagganap ay mapapanood sa pangmalakasang late prime time viewing delight, ang “Senior Prom.”
Bumulaga ang teaser clips para sa mga susunod na kabanata kung saan ang major paandar ay ang prom night, na talaga namang inaabangang payanig ng mga taga-Northford Highschool.
Si Gela Atayde, bilang si Sanya, ang bukod tanging babaing pinagpala sa lahat dahil ang ka-date niya sa most anticipated Northford shindig ay si Justin, ang 1/5 ng SB19, na kinabibilangan nina John Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Ken Suson at Stelk Ajero. Magkaka-alaman sa pagsalang ng episode kung panauhin ang pambansang bunso bilang kanyang sarili o may katauhan siyang gagampanan sa teen-oriented na palatuntunan.
Winner na winner ang pagdalo ni young master Dios sa Northford prom kaya hindi na katataka-taka at mas lalong walang hibang factor na sa Ekis social media site, super trending ang ACTORJUSTIN, #JustinInSeniorHigh at #JustinDeDios, sa true lang.
At kay Gela Atayde, pag pwede na, pakibahagi naman ang iyong Justin De Dios experience. Huwag i-gate keep ang iyong first impression sa pambansang bunso, at kung kamusta ito off camera at on-camera. Girl, marami ang super happy for you pero at the same time, inggit na inggit kasi nga isang malaking tagumpay na maging escort sa prom ang nag-iisang Justin De Dios, hindi ba naman?
Samantala, ang Pambansang Gwapo ng Pilipinas Ken Suson, ipinaramdam na naman sa lahat ang lakas at fuerza ng kanyang pang-rahuyo kasi nga ang tickets para sa kanyang pagtatanghal sa isang bar sa isang sosyaling mall sa Pasig City, 8 ng gabi ang opisyal na oras para sa bentahan nito sa merkado. Sa loob ng dalawang minuto matapos buksan ang opisyal na site na bilihan, sold out agad ito!
Wow oh wow! Sold out in two minutes ang P1,500 per head na tiket! Ang lupit! Iba talagang magmahal ang mga Sisiw at casuals kay Felip Jhon Suson, clap, clap, clap na may kasamang sigawan talaga naman!
Ang mga masamang-masama ang kalooban dahil napagkaitan sila ng tikets, hinihiling, mas malaking venue na dapat ang pinagtatanghalan ng Pambansang Gwapo dahil sadyang napakasakit sa kanilang kalooban na may purchasing power naman sila in a major, major way pero hindi pa rin sila pinalad na magka-ticket sa special concert ni young master Suson.
At siempre pa ang Kids, kilig-kilig as well dahil nga noong Enero 3, may bumulagang sayaw si Ken kasama ang kanyang Stell Ajero sa isang social media site. May kung anong misteryo ang numero 3 sa KenTell kaya ang paglapag ng sayaw nilang dalawa ni young master Ajero sa nasabing araw, eh talagang nagpasaya at nagbigay ng kilig overload ang nasabing layag.
Ang tanong tuloy ng KenTell Kids, tuwing a-tres ba of a given month, eh may maasahang lapag mula sa sinasabing kaya hindi na sinasama sa mga ship eh kasi nga….. kasi nga, kasi!
Kaarawan ni Ken sa Enero 12 kaya tiyak may bago na naman itong pangiliti at regalo para sa kanyang mga Sisiw, sa KenTell shipper at siempre, sa A’Tin fandom.